Kumilos na ang Department of Foreign Affairs matapos mapaulat na may presensya ng survey ships ng China sa teritoryo ng Pilipinas.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., naghain na sila ng diplomatic protest laban sa China.
Una nang kinuwestyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kung anong ginagawa ng mga sasakyang pandagat ng China sa territorial water ng Pilipinas.
Matatandaan na sinabi ni Secretary Lorenzana na kulang ang ating radar equipment kumpara sa gamit ng U.S. maritime expert para mamataan ang surveyship ng China sa exclusive economic zone ng Pilipinas.
Facebook Comments