DFA, naghain ng panibagong diplomatic protest laban sa China kasunod ng insidente kahapon sa Ayungin Shoal

Naghain ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng panibagong diplomatic protest laban sa China.

Kasunod ito ng panibagong pangha-harass ng barko ng Tsina na nauwi sa banggaan ng Chinese Coast Guard vessel at AFP-contracted resupply boat.

Ayon kay DFA Spokesperson Teresita Daza, pinatawag din nila si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian pero out of town ito kaya ang humarap ay ang Deputy Chief of Mission ng Chinese Embassy.


Nabatid na hinarang ng barko ng China ang resupply boat ng Pilipinas kaya nangyari ang collision kahapon.

Facebook Comments