DFA, nagkakasa ng mass repatriation sa mga naiwang Pinoy sa Sudan sa harap ng nangyayaring “looting” doon

Naghahanda ng mass repatriation ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa naiwang mga Pilipino sa Sudan.

Sa harap ito ng nangyayaring panloloob ngayon sa mga tahanan ng mga dayuhan sa Khartoum, Sudan.

Sa gitna ito ng matinding pagbagsak ng ekonomiya ng Sudan dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan doon.


Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, mahigit isang daang mga Pinoy sa Khartoum ang nagpapasaklolo na sa Philippine Embassy.

Gayunman, ilan aniya sa mga Pinoy ang tumatanggi pa rin na umuwi ng Pilipinas dahil may utang pa sa kanila ang kanilang employer.

Sa ngayon, 200 pang mga Pinoy ang nasa Sudan matapos na una nang napauwi ang mahigit 700 mga Pinoy na naipit sa kaguluhan doon.

Facebook Comments