Umalma ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng Philippine Consulate General sa Xiamen kaugnay ng akusasyon ng Migrante International na pinababayaan nito ang stranded Filipino seafarers sa China.
Ayon sa DFA, sa katunayan ay pinaplantsa na nila ang repatriation ng natitirang 11 Filipino seafarers na stranded sa Ocean Star 86 simula pa noong Marso 2020.
Ninilinaw rin ng DFA na agad na nagpadala ng ayuda ang Philippine Embassy sa stranded Pinoy seafarers matapos makatanggap ng E-mail letter ang Philippine Consulate General noong April 22, 2020 mula sa isang Jake Cruz.
Agad din nilang sinuri ang physical at mental condition ng Pinoy crew members.
Maging ang pangangailangan ng iba pang stranded Pinoy seafarers sa Fujian Province sa China ay tinututukan na rin ng Konsulada ng Pilipinas.