Manila, Philippines – Naghahanda na ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa posibleng repatriation ng mga Filipino na maaapektuhan ng pananalasa ng Hurricane Maria sa Carribean
Ayon kay Foreign Affairs spokesperson Asec. Rob Bolivar, patuloy nilang binabantayan ang lagay ng mga Pinoy sa Caribbean.
Nagpakalat na rin aniya ng mga tauhan ang Rapid Response Team ang embahada ng Pilipinas para sa pagmo-monitor sa sitwasyon ng ating mga kababayan doon.
Sa datos ng DFA nasa 219 na mga Filipino ang naninirahan at nagttrabaho sa Puerto Rico habang 16 naman ang nasa Dominican Republic.
Una rito pinauwi na ng DFA ang 132 na mga Pinoy sa British Virgin Island na naapektuhan naman ng pananalasa ng Hurricane Irma.
Facebook Comments