DFA, nagpa-alala sa mga foreign tourist na hanggang ngayong araw na lamang ang kanilang humanitarian missions

Inanunsyo ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na ngayong Biyernes ang huling araw ng humanitarian missions para ihatid sa paliparan ang mga foreign tourists na na-stranded dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Ayon kay Locsin, maaari pa ring umalis ng bansa kahit anong oras ang mga dayuhan nang walang ipapataw na parusa sa paglampas ng visa.

Pero ang kanilang gobyerno na ang sasagot at magtitipon sa kanila upang makasakay sa sweeper flights na maghahatid pauwi sa kani-kanilang bansa.


Pinuri naman ng kalihim ang Germany, France, Denmark, Russia pati na ang Philippine Military dahil sa pagtulong na mapagsama-sama ang foreign nationals na makikinabang sa sweeper flights.

Nakahanda naman anumang oras ang DFA na umayuda sa koordinasyon sa local government units upang hindi sila maabala ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) at iba pang tulong na maaaring ibigay.

Kaugnay nito ay maglalabas ng bulletin si Locsin para sa kaalaman ng foreign embassies.

Facebook Comments