DFA, nagpaabot ng pasasalamat sa suporta ng G7 leaders hinggil sa isyu sa WPS

Nagpaabot ng pasasalamat ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagtutol ng mga lider ng Group of Seven o G7 sa walang basehan at labis na pag-angkin ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Sa inilabas na pahayag ng DFA, pinahahalagahan umano nito ang suporta ng G7 sa pagkumpirma sa unibersal at pinag-isang katangian ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Dagdag pa ng ahensiya, kaisa ang gobyerno ng Pilipinas sa pananaw ng G7 sa layong makamit ang isang matatag at ligtas na rehiyon ng Indo-Pacific laban sa anumang mga aksyon na sumisira sa internasyonal na seguridad at katatagan.


Matatandaang sinita ng mga pinuno ng G7 nitong nakaraan ang ginagawang aksyon ng China sa pinag-aagawang teritoryo sa WPS, partikular na sa agresyon ng nasabing bansa laban sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas.

Facebook Comments