DFA, nagpadala na ng note verbale sa China kasunod ng panibagong pangha-harass sa Pilipinas sa Pag-Asa Island

Nagpalabas na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng note verbale laban sa China para linawin ang insidente sa pagitan ng China Coast Guard at ng mga tauhan ng Philippine Navy malapit sa Pag-Asa Island noong Linggo, November 20.

Ito ang kinumpirma ni DFA Spokesperson Ma. Teresita Daza kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Daza, layon ng note verbale na kunin ang panig ng Tsina sa pangyayari.


Sinabi naman ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na hihintayin ng DFA ang opisyal na komento ng China.

Ang susunod na hakbangin ng Pilipinas aniya ay magdidepende sa magiging tugon ng China.

Facebook Comments