Nagpadala na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng rapid response team sa Libya para tumulong sa pagpapauwi ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, puspusan na ang ipinatutupad na mandatory repatriation sa mga Pinoy sa Libya matapos ilagay ng DFA sa alert level 4 ang sitwasyon sa Tripoli.
Maliban aniya sa rapid reaction team ng DFA, nagpadala na rin aniya ang DOLE ng augmentation team para mag-asikaso sa pag-uwi ng mga OFW sa Libya.
Kasabay nito, nanawagan si Bello sa mga Pinoy sa Libya na mag-report sa Philippine Embassy sa Tripoli dahil sa lumalalang civil war sa Libya.
Sa ngayon, mahigit 40 OFWs na mula sa Libya ang nakauwi na sa bansa.
Facebook Comments