Nababahala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa panibagong insidente sa Ayungin Shoal kung saan ilang sundalo ang nasugatan sa humanitarian mission sa BRP Sierra Madre nitong Lunes.
Bukod pa ito sa pinsalang tinamo ng barko ng Pilipinas.
Kaugnay nito, iginiit ng DFA na patuloy ang kanilang pagsisikap para sa mapayapang dayalogo at konsultasyon sa China hinggil sa usapin ng South China Sea.
Gayunman, malabo aniya itong makamit kung ang mga aksyon ng Tsina ay hindi tumutugma sa mga pahayag nito.
Sa muling pagkakataon ay nanawagan ang DFA sa China na tumalima sa international law, lalo na sa UNCLOS at sa 2016 Arbitral Award.
Facebook Comments