Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipinong may balak na bumiyahe patungo ng Iraq na ikansela muna ang kanilang biyahe, partikular ang International Organizations (IOs) at Non-Government Organizations (NGOs) na may humanitarian projects o speaking engagements dito.
Sa harap ito ng patuloy na kaguluhan sa nasabing bansa.
Ayon sa DFA, kung hindi naman maaaring i-postpone ang biyahe, pinapayuhan naman ang mga Pinoy na i-check ang mga pinatutupad na curfews sa kanilang pupuntahang destinasyon sa mga lalawigan sa Iraq.
Dapat din anilang iwasan ang magpa-book ng flight ng madaling araw o gabing arrivals sa Baghdad, Basra at iba pang airports sa Kurdistan Region ng Iraq.
Facebook Comments