Nagpahayag ng pasasalamat si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo sa gobyerno ng Indonesia para sa pagpayag na makauwi sa bansa ngayong araw si Mary Jane Veloso ilang araw bago mag-Pasko.
Nagpapasalamat din ang DFA sa Department of Justice (DOJ) na kanilang katuwang kasama ang iba pang kawani ng DFA at ang buong deligado ng Embahada ng Pilipinas sa Indonesia sa pangunguna ni Ambassador Gina Jamoralin mula sa pagplano hanggang sa repatriation ni Mary Jane.
Pinasalamatan din ng DFA si Pangulong Marcos Jr. sa kanyang pag-apruba sa kanilang mga rekomendasyon ng DFA para masigurong maayos ang pagbalik ni Mary Jane.
Facebook Comments