Nagpatupad ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng Alert Level 2 sa Mali, West Africa sa harap ng political at security situation sa nasabing bansa.
Ang Alert Level 2 ay itinataas kapag may banta sa buhay, seguridad at ari-arian ng mga Pilipino dahil sa internal disturbances, instability, at external threat sa isang bansa.
Sa ilalim ng Alert Level 2, ang mga Pilipino ay pinapayuhan na iwasang lumabas kapag hindi importante ang kanilang lakad gayundin sila ay pina-iiwas sa mga pampublikong lugar at pinaghahanda sa posibleng paglilikas.
Pinapayuhan din ang mga Pinoy sa Mali na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Rabat, Morocco para sa mga advisories ng embahada.
Facebook Comments