DFA, nagpatupad ng Alert Level 2 sa Sri Lanka sa harap ng mga demonstrasyon doon bunga ng economic crisis

Mula sa Alert Level 1 ay nagpatupad na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng Alert Level 2 sa Sri Lanka.

Sa harap ito ng mga kilos protesta doon sa gitna ng krisis pang-ekonomiya roon.

Sa ilalim ng Alert Level 2, wala munang magiging deployment ng Overseas Filipino Workers sa Sri Lanka.


Ang papayagan lamang na makabalik ng nasabing bansa ay ang Pinoy workers na may existing employment contracts doon.

Kaugnay nito, patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DFA sa Philippine Embassy sa Dhaka para alamin ang kalagayan ng mga Pilipino sa Sri Lanka.

Sa ngayon, wala munang plano ang DFA na magpatupad ng paglilikas sa mga Pinoy sa nasabing bansa.

Wala ring napaulat na mga Pilipinong nasaktan sa mga rally sa Sri Lanka.

Facebook Comments