DFA, nagsisimula ng mangampanya upang makakuhang muli ng pwesto sa UN Security Council para sa taong 2027-2028

Nagsimula ng mangampanya ang ang Department of Foreign Affairs (DFA) upang makakuhang muli ng pwesto sa United Nations Security Council para sa taong 2027-2028.

Matatandaan sa ilalim ng United Nations charter, ang bawat member state ay obligadong mag-ambag ng kani-kanilang share tungo sa pagpapanatili ng kapayapaan ng mga miyembro ng organisasyon.

Ayon kay DFA Usec. Eduardo Jose de Vega, mahalaga ito para sa Pilipinas na naging dating miyembro na rin ng UN Security Council sa loob ng dalawang dekada.


Huling nahalal at nabigyan ng upuan ang Pilipinas sa Security Council sa termino noong taong 2004 hanggang 2005.

Kasama sa limang permanenteng miyembro nito, ang China, France, Russian Federation, United Kingdom, at United States.

Samantala, sa kasalukuyan ang temporary members naman ay ang Albania, Brazil, Gabon, Ghana, India, Ireland, Kenya, Mexico, Norway, at United Arab Emirates.

Facebook Comments