DFA, nagtalaga ng hotline para sa mga kababayan nating may kamag-anak sa Hongkong na naapektuhan ng hagupit ng bagyong Hato

Manila, Philippines – Naglatag ang Philippine Consulate sa Hongkong ng hotline para sa mga nag-aalalang kamag-anak ng mga Overseas Filipino Workers na nagtatrabaho sa nasabing bansa.

Una na kasing binayo ng Typhoon Hato ang HK at Macau kung saan isinailalim pa sa Signal#10 ang ilang lugar.

Ayon kay Department of Foreign Affairs Asec. Rob Bolivar, may itinalaga silang hotline para maka-ugnayan ng mga Pinoy ang kanilang mga kamag-anak na nakatira at nagtatrabaho sa Hongkong.


Maaaring tumawag lamang sa numerong ‎852 2823 8500.

Sinabi pa ni Asec. Bolivar na isa din sa mga unang ginawa ng konsulada ng HK at Macau ay ang pakikipag-ugnayan sa bawat community leader o marshal sa bawat sektor ng komunidad para masiguro ang kalagayan ng ating mga kababayan.

Kaugnay nito, nilinaw ni Bolivar na back to normal nang muli ang sitwasyon ngayon sa HK at Macau.

Sa katunayan kagabi, mula sa signal #10 ibinaba na lamang ito sa signal #1.

Facebook Comments