Nag-aabang pa ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa magiging desisyon ng Yemeni government hinggil sa kahilingan ng Pilipinas na mapalaya ang 17 Filipino seafarers na tinamaan ng malaria habang bihag ng Houthi rebels.
Sa ngayon kasi lumalala ang kondisyon ng mga Pinoy crew ng MV Galaxy Leader.
Sa paunang impormasyon mula sa Sana’a government sa Yemen, inihayag nito na ang pagpapalaya sa Pinoy seafarers ay nakadepende pa sa external decisions.
Nakaabang din si Honorary Consul to Yemen Mohammad Saleh Al-Jamal sa negosasyon ni Ambassador Ahmed Omar at ng mga kinatawan ng Yemeni Foreign Ministry sa Sana’a.
Nagbigay na rin ang Sana’a government sa Yemen ng medical assistance sa mga Filipino crew members na tinamaan ng malaria.
November nang nakalipas na taon nang i-hijack ng Houthi rebels ang Bahamas-flagged Galaxy Leader, isang car carrier na pag-aari ng Israeli ship owner Ray Shipping, habang ito ay dumadaan sa Red Sea.