DFA, nakaabang sa abiso ng malakanyang sa pagdalo ni PBBM sa libing ni Queen Elizabeth II

60

Hinihintay pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pormal na abiso mula sa Malacañang hinggil sa pagdalo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa libing ni Queen Elizabeth II sa Lunes.

Awtomatiko namang bahagi ng protocol ang pagdalo ni Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo sa libing ng yumaong reyna kung hindi makadadalo ang pangulo.

Maaari rin ipadala ng pangulo ang bise presidente o iba pang opisyal ng pamahalaan.


Kasalukuyang nakalagak sa Cathedral of St. Gile’s sa Edinburgh ang labi ng yumaong reyna ng Inglatera.

Facebook Comments