DFA, nakapagtala lamang ng isang panibagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga Pinoy sa abroad

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng isang panibagong kaso ng Pilipinong tinamaan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa ibayong dagat.

Bunga nito, pumalo na sa 11,146 ang bilang ng mga nagpositibo sa naturang sakit.

Sa kabila nito, nananatili sa 7,184 na overseas Filipinos ang nakarekober sa COVID-19 habang nadagdagan naman ng isa ang sumasailalim pa sa treatment na may kabuuang 3,151.


Samantala, walang naitala ang DFA na Pilipino na panibagong binawian ng buhay sa ibayong dagat.

Bunga nito, ang total deaths ay nananatili sa 811.

Nangunguna pa rin ang Middle East o Africa na may mataas na bilang ng COVID-19 positive Filipinos na nasa 7,364 cases, kasunod ang Asia Pacific Region na may 1,757 cases habang ang Europe na nasa 1,214 cases, at Amerika na may 811 cases.

Facebook Comments