DFA, nakapagtala lamang ng isang Pinoy na bagong nagka-COVID sa abroad

Isang Filipino na nasa abroad lamang ang bagong tinamaan ng COVID-19.

Wala namang naitalang naka-recover at wala ring binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na sa 16,068 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa ibayong-dagat na tinamaan ng COVID-19 mula sa 90 mga bansa.


Sa nasabing bilang, ang aktibong kaso ay 5,283 habang ang total recoveries ay 9,738.

Ang total deaths ay nananatili sa 1,047.

Facebook Comments