DFA, nakapagtala ng 102 na mga Pinoy na bagong tinamaan ng COVID-19 sa abroad

15

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 102 ang Overseas Filipino Workers (OFWs) ang bagong tinamaan ng COVID-19 sa abroad.

9 naman ang bagong gumaling habang walang bagong Pinoy na binawian ng buhay.


Sa ngayon, 19,876 na ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa abroad na tinamaan ng COVID-19.

6,629 sa mga ito ang patuloy pang nagpapagaling habang 12,053 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling.

1,194 naman ang kabuuang binawian ng buhay.

Facebook Comments