DFA, nakapagtala ng 27 na Pinoy na bagong tinamaan ng COVID-19 sa abroad

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 27 na mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19.

16 naman ang bagong gumaling at wala namang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na sa 16,067 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa abroad na na-infect ng virus.


Sa nasabing bilang, ang aktibong kaso ay 5,282 habang ang kabuuang bilang ng mga gumaling na overseas Filipinos ay 9,738.

Ang total deaths naman ay 1,047.

Facebook Comments