DFA, nakapagtala ng 4 na COVID recoveries sa hanay ng mga pinoy sa abroad

23

Nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 4 na Pilipino sa abroad na bagong gumaling sa COVID-19.

5 naman ang bagong kaso habang walang bagong Pinoy na namatay sa virus.


Sa ngayon, umaabot na sa 19,720 ang kabuuang bilang ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na tinamaan ng COVID-19 sa abroad.

Ang aktibong kaso naman ay 6,537.

Habang ang kabuuang bilang ng mga gumaling ay 12,004.

1,179 naman ang kabuuang bilang ng mga binawian ng buhay.



Facebook Comments