Muling nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 40 bagong kaso ng COVID-19 sa mga Filipino abroad.
Sa kabuuan, umabot na sa 23,313 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mga Pinoy abroad, 8,376 dito ang nanatiling nagpapagaling sa hospital.
Umakyat na rin sa 13,552 ang mga naka-recover sa naturang sakit kabilang ang 87 na bagong gumaling sa COVID-19.
Ayon sa DFA, nasa 1,389 ang bilang naman ng mga nasawi dahil sa naturang sakit kabilang na rito ang dalawang Pinoy na binawian ng buhay nitong nakalipas na linggo.
Nanatiling pinakamataas ang tinamaan na mga Pinoy ng COVID-19 sa Gitnang Silangan na may 13,113 pangalawa ang Asia Pacific Region na may 5,517, pangatlo ang Europa at pang-apat ang America.
Patuloy namang naka-monitor ang kagawaran at foreign service posts sa mga Filipino abroad upang maalalayan ang ating mga kababayan na naapektuhan ng pandemya.