Isa lamang ang bagong kaso ng COVID-19 na naitala ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa hanay ng mga Pilipino sa abroad.
Bunga nito, ang total cases na ay 12,623.
Ang aktibong kaso naman ay 3,634.
Wala namang naitala ang DFA na bagong Pinoy na naka-recover sa virus sa abroad kaya ang total recoveries ay nananatili sa 8,126.
1 namang overseas Filipino ang binawian ng buhay sa ibayong dagat dahil sa COVID kaya ang total deaths na ay 863.
Facebook Comments