DFA, nakapagtala ng malaking bilang ng bagong COVID cases sa hanay ng overseas Filipinos

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 246 na bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga Pilipino sa abroad.

257 naman ang bagong gumaling habang 1 ang bagong namatay.

Umaabot na ngayon sa 16,394 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga Pinoy sa abroad.


Sa nasabing bilang, ang aktibong kaso ay 5,292 at ang total recoveries ay umakyat na sa 10,048.

Habang ang total deaths ay 1,049.

Facebook Comments