Puspusan na rin ang pakikipag-ugnayan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa local authorities sa Fujian, China para sa repatriation ng naiwan pang Filipino seafarers doon.
Ang naturang Pinoy crew members ay ilang buwan nang stranded sa barko matapos na walang bansang magpadaong sa kanilang sinasakyang fishing vessels sa harap ng banta ng COVID-19 pandemic.
Kahapon, dumating na sa bansa ang 111 na Pinoy seafarers na kabilang din sa mga nastranded sa Fujian.
Kasama rin sa sakay ng Star Mariner na dumaong sa Port of Manila ang labi ng dalawang Pinoy seafarers.
Sila ay mula sa siyam na magkakaibang Chinese fishing vessels.
Facebook Comments