Nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa International Organization for Migration (IOM) para sa paglilikas sa mga Pilipinong naiipit sa kaguluhan sa Sudan.
Sa ngayon kasi hindi makagalaw ang DFA dahil sarado ang mga airport sa Sudan.
Kinumpirma naman ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na sa 258 na mga Pinoy sa Sudan, 60 na ang nagpahayag ng pagnanais na makauwi ng Pilipinas.
Tiniyak din ni De Vega na regular na nakikipag-usap ang Philippine Embassy sa Egypt sa Filipino community sa Sudan.
Aminado rin ang opisyal na posibleng may mga Pinoy pa sa Sudan ang hindi rehistrado sa Embahada.
Facebook Comments