DFA, nakikipag -ugnayan sa mga pinoy sa Japan matapos ang pananalasa ng bagyong Lan

Manila, Philippines – Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Department of Foreign Affairs sa mga kababayan nating nakatira at nagtatrabaho sa Japan.

Nitong mga nakalipas na araw nakatikim ng bagsik ng typhoon Lan ang Japan kung saan nag iwan ito ng 4 na patay.

Ayon kay Foreign Affairs Asec Rob Bolivar nakikipag coordinate na ang ating Embahada sa Tokyo sa Filipino community doon.


Sa inisyal na report walang Pinoy ang kasama sa casualties, pero nais parin makasiguro ng ating Embahada na ligtas ang ating mga kababayan sa Japan.

Sinabi pa ni Bolivar saka-sakaling may apektadong mga Pinoy sa pananalasa ng bagyo ay nakahanda naman silang ayudahan ang mga ito.

Facebook Comments