Nakikipag-ugnayan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Philippine Government Authorities upang makatulong na matugunan ang isyu ng pagpasok na mga vaccinated na mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Hong Kong.
Pinaalalahanan ng DFA ang publiko na ang mga vaccination card na inisyu ng Local Government Units (LGUs) ay hindi kinakailangan magsisilbing certificate papasok sa ibang bansa.
Ayon sa DFA, ang gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Health-Bureau of Quarantine (DOH-BOQ) ay naglabas ng international certificate ng vaccination (ICV) para magamit ng mga papalabas na mga OFW na nabakunahan sa bansa.
Batay sa kanilang kahilingan, bilang katibayan na vaccination base sa ipinanukalang guidelines ng World Health Organization (WHO).
Gayunman, ang mga OFW na fully vaccinated ay nakasalalay pa rin sa mga patakaran ng mga bansa na kanilang pupuntahan.
Pinapayuhan ang mga papalabas na mga OFW na suriin ang mga patakaran sa pagpasok ng kanilang mga patutunguhang bansa at panatilihin ang pagsunod sa mga travel advisory ng mga website ng gobyerno ng Pilipinas pati na rin ang mga na-isyu ng kanilang mga patutunguhang bansa.