DFA, nananatiling committed sa One China Policy

Sa gitna ng umiigting na tensyon sa pagitan ng Taiwan at China.

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nanatili silang committed sa One China Policy sa gitna ng umiigting na tensyon sa pagitan nito sa Taiwan kasunod ng matagumpay na pagkakapanalo bilang bagong Pangulo ng Taiwan democratic politician na si Lai Ching-te.

Ayon sa DFA, sa ilalim kasi ng Joint Communique nagkasundo ang Pilipinas at China na ayusin ang lahat ng mga hindi pagkakaunawaan nang hindi gumagamit o nagbabanta ng kahit anong puwersa.


Kung maalala, ang mga nakapaloob sa Joint Communique of the Government and the Republic of the Philippines at Government of the People’s Republic of China ay nilagdaan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., at Premier Zhou Enlai noong Hunyo 9, 1975.

Una nang binatikos ng China si Pres. Lai dahil sa umano’y “separatist” na pananaw nito sa gitna ng patuloy na pag-aangkin ng Beijing sa Taiwan bilang sarili nitong teritoryo.

Facebook Comments