Patuloy pa rin babantayan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon sa Libya at aalalay sa mga Pilipinong nangangailangan ng tulong sa pamamagitan ng Assistance-to-Nationals.
Una nang ibinaba sa Single Crisis Alert Level 3 ang crisis alert sa Libya dahil sa mas bumuti na ang sitwasyon sa kabila na nananatiling magulo ang political at security situation sa nasabing bansa.
Kung saan boluntaryo na lamang ang repatriation sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa nasabing bansa.
Matatandaan noon pang 2019 nang itaas sa Tripoli at iba pang lugar na sakop ng 100-kilometer radius sa Alert Level 4 at Alert Level 3 naman sa mga lugar na sakop ng 100-kilometer radius sa Libya dahil sa mga kaguluhan.
Samantala, tinatayang nasa 2,300 na mga Overseas Filipino Workers (OFW) naman ang nagtatrabaho sa Libya kung saan ilan sa mga ito ay mas nag-aalala sa mga nakabinbin na mga labor issues na aabot sa 305 nitong Hunyo 2023.