DFA, nanindigan sa go signal sa pag-alis ng Pinoy frontliners patungong abroad

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang basbas sa Pinoy frontliners patungong abroad.

Partikular na tinukoy ni Foreign Affairs Undersecretary Brigido Day ang Registered Nurses na naisyuhan na ng Employment Certificate ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) bago mag-March 8, 2020.

Sa ngayon ay patuloy ang pagproseso ng POEA ng Employment Certificates bagamat sila ay nasa skeleton workforce.


Manunumbalik naman ang regular na operasyon ng POEA oras na maalis na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Facebook Comments