DFA, nanindigan sa hindi pagkansela sa passport ni ex-Cong. Elizaldy Co

Nanindigan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa hindi nito pagkansela sa pasaporte ni dating Cong. Zaldy Co.

Ayon sa DFA, wala pa rin kasi silang natatanggap na kautusan mula sa korte na nag-aatas sa kanila na kanselahin ang pasaporte ni Co.

Tiniyak naman ng DFA na agad silang tatalima sa kanilang mandato oras na maglabas ng order ang hukuman.

Nilinaw rin ng DFA na sinusunod nila ang proseso alinsunod sa legal criteria at hindi sa arbitrary o political considerations.

Sa ilalim kasi ng bagong Passport Law, ang DFA ay awtorisadong magkansela ng passport kapag may court order.

Facebook Comments