DFA, nanindigang bahagi ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas ang Ayungin Shoal

Iginiit ng Department of Foreign Affairs (DFA) na bahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas ang Ayungin Shoal.

Kasunod ito ng pagharang at pambobomba ng water cannon ng barko ng China Coast Guard sa mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ng DFA na ang Ayungin Shoal ay bahagi rin ng continental shelf ng bansa, alinsunod sa 1982 UNCLOS at 2016 Arbitral ruling.


Nauna nang nagpahayag ng pagkabahala ang mga bansa tulad ng Amerika, Canada, United Kingdom, Japan, at ang European Union hinggil sa panibagong insidente ng panggigipit ng China sa Pilipinas.

Bunga ng nasabing insidente, umaabot na sa 444 na mga diplomatic protests ang inihain ng Pilipinas laban sa Tsina.

35 sa mga ito ang inihain ngayong taon kabilang na ang note verbale kanina na pinadala ng Pilipinas.

Facebook Comments