DFA, nilinaw na hindi inabandona ng Pilipinas ang karapatan nito sa soberenya

Iginiit ni Foreign Affairs Spokesperson Ambassador Teresita Daza na walang pinasok ang Pilipinas na kasunduan sa China hinggil sa pag-abandona ng bansa sa sovereign rights sa exclusive economic zones (EEZ) ng Pilipinas.

Ginawa ni Daza ang pahayag sa press conference kanina sa tanggapan ng National Task Force on West Philippine Sea (NTF- WPS).

Naniniwala naman si NTF-WPS Assistant Deputy Director General Jonathan Malaya na sinasadya ng China ang mga mararahas na kilos nito laban sa tropa ng Pilipinas.


Iginiit naman ni Malaya na ipagpapatuloy ng Pilipinas ang paninindigan sa pagprotekta sa teritoryo at soberenya ng Pilipinas.

Una nang ipinag-utos ng Pilipinas ang agarang paglisan ng Chinese vessels sa bisinidad ng Ayungin Shoal.

Facebook Comments