DFA, nilinaw na hindi target ng mass deportation ng incoming Trump administrasyon ang law-abiding Filipinos sa Amerika

Pinawi ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pangamba ng undocumented Filipinos sa Amerika sa harap ng planong mass deportation sa mga iligal na naninirahan sa US.

Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, hindi target ng mass deportation ng incoming Trump administration ang law abiding na mga Pilipino sa Amerika.

Sinabi ni Usec. De Vega na tatlong uri ng illegal immigrants sa Amerika ang target ni incoming US President Donald Trump.


Kabilang aniya rito ang immigrants na kriminal, may security risk, at ang mga dayuhang pumasok sa Amerika para lamang makatanggap ng social welfare.

Bunga nito, wala aniyang dapat ikabahala ang undocumented Filipinos na sumusunod sa batas ng Amerika.

Nanindigan din ang DFA sa kanilang payo sa undocumented Pinoys sa Amerika na dumulog sa Philippine Embassy doon o sa mga Konsulada ng Pilipinas para sa pagsasaayos ng kanilang mga dokumento.

Facebook Comments