DFA patuloy na inaalam kung may nadamay na Pinoy sa train accident sa Denmark

Patuloy na beneberipika ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang lagay ng mga Filipino sa Denmark.

Ito ay matapos maganap ang isang train accident sa Denmark noong Miyerkules kung saan 6 ang naitalang nasawi habang 16 naman ang sugatan.

Ayon kay Ambassador to Denmark Jocelyn Batoon-Garcia sa ngayon patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa Danish authorities upang matiyak na ligtas ang mga kababayan natin sa nasabing bansa at wala ni isang Pinoy ang nadamay sa aksidente.


Nabatid na mayroong 12,000 Filipino sa Denmark.

Nangyari ang insidente sa Greenbelt Bridge na nagkokonekta sa mga isla ng Zealand at Funen kung saan sangkot ang isang commuter train at isang freight train.

Facebook Comments