DFA, patuloy na inaalam kung may Pinoy na nadamay sa mass shooting Sa Las Vegas

Manila, Philippines – Inaalam pa ng Department of Foreign Affairs kung mayruon tayong mga kababayan na kabilang sa casualties sa nangyaring mass shooting sa Las Vegas, Nevada.

Sa pinaka huling impormasyon, hindi bababa sa 50 ang nasawi habang mahigit sa 400 indibidwal naman ang naitalang sugatan.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, kaisa ang Pilipinas sa pakikiramay sa nangyaring pinakabagong trahedya sa Estados Unidos.


Kasunod nito tiniyak ni Cayetano sa pamamagitan ni Philippine Consulate General Adelio Angelito Cruz na tuloy ang pakikipag ugnayan nila sa ating mga kababayan na naninirahan at nagttrabaho sa Las Vegas.

Sa datos ng DFA, mayruong 131,000 na mga Pinoy sa Las Vegas na kilala bilang isang tourist destination.

Umaasa naman ang ating pamahalaan na ligtas ang lahat ng ating mga kababayan at walang nadamay sa nangyaring insidente.

Facebook Comments