DFA patuloy na mino-monitor ang mga Pinoy sa Syria

Kasalukuyang mino-monitor ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon ngayon sa Damascus.

Ito ay matapos ang serye ng pagsabog sa nasabing lugar, Martes ng gabi.

Ayon sa embahada sa Damascus narinig ang mga pagsabog makaraang maharang ng Syrian air defense ang ilang missiles na pinakawalan ng Israel Defense Forces patungo sa kanilang weapons storage facilities.


Sa inisyal na impormasyon mula kay Chargé d’Affaires Alex Lamadrid, walang Pinoy na nadamay sa nasabing kaguluhan.
Pero patuloy pa rin ang kanilang ugnayan sa 1,000 myembro ng Filipino community sa Syria na manatiling alerto at makinig sa abiso ng local authorities doon.

Facebook Comments