DFA, patuloy na nakakapagtala ng mas maraming Pinoy na gumagaling kaysa nai-infect ng COVID-19 sa abroad

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang naitatala nilang mas mataas na bilang ng mga Pilipino sa abroad na gumagaling sa COVID-19 kaysa sa bagong nai-infect ng virus.

Ngayong araw na ito, nakapagtala ang DFA ng 296 na bagong gumaling na Pinoy sa ibayong dagat.

248 naman ang bagong kaso habang 74 ang bagong binawian ng buhay.


Sa ngayon, umaabot na sa 14,129 na Overseas Filipinos ang gumaling sa COVID-19.

23,817 naman ang kabuuang kaso at ang aktibong kaso ay 8,264.

Habang ang kabuuang binawian ng buhay ay 1,424.

Facebook Comments