Iginiit ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang procedures na pinag-aaralan pa ng ahensya ang ideyang paghahain ng diplomatic protest laban sa China sa International Tribunal for the Law of the Sea (ITLOS).
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, nakahanda ang bansa na gawin ang lahat ng kaukulang hakbang para mapairal ang karapatan nito sa Scarborough Shoal kasunod ng paglalagay ng Chinese Coast Guard ng floating barriers sa Scarborough Shoal na nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Dagdag pa ng kalihim, na ang ginawang pagtanggal ng Philippine Coast Guard (PCG) sa i-ninstall na floating barriers ng China ay alinsunod sa posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) dahil may karapatan ang bansa.
Samantala, binigyang diin din ng ahensya na mahalagang parte ng Pilipinas base sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na nagpapalawak ng territorial jurisdiction ng maritime states na nilagdaan ng hindi bababa sa 162 mga bansa kabilang ang Pilipinas at China.