Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino sa Israel na gawin ang mga precautions sa harap ng tumitinding tensyon doon.
Sa ngayon, wala pang naiuulat ang DFA na anumang Filipino casualty sa nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng Israelis at Palestinians kung saan nasa higit 200 na ang nasawi.
Ayon kay DFA Strategic Communications Executive Director Ivy Banzon-Abalos, mananatili ang alert level habang pinag-iingat ang mga Pilipino sa nasabing bansa.
Nasa higit 30,000 Pilipino ang nasa Israel at karamihan ay nasa service sector.
Nakahanda ang contingency measures ng Philippine Embassy sa Tel-Aviv at iba pang embahada sa mga kalapit na bansa.
Patuloy ding nakikipag-ugnayan ang embahada sa mga Filipino Community sakaling mangailangan sila ng special assistance.