Pinag-iingat ng DFA ang mga kababayan sa kumakalat na sakit na Ebola virus sa ibang bansa partikular sa Democratic Republic of the Congo (DRC).
Ayon sa DFA, patuloy nilang minomonitor ang Ebola outbreak sa Africa katuwang ang Department of Health at Bureau of Quarantine nito, Bureau of Immigration, Civil Aeronautics Board at Philippine Overseas Employment Administration.
Una nang dineklara ng World Health Organization na Public Health Emergency of International Concern ang Republic of the Congo.
Base sa pa-aaral, nakakamatay ang nasabing virus dahil sa sobrang taas na lagnat.
Kabilang sa sintomas ay ang lagnat, panghihina ng katawan, sumasakit na kasukasuhan, sumasakit na ulo at lalamunan. Ilan pa sa sintomas ang vomiting, diarrhea, rash, mga sintomas ng impaired kidney at liver function.
Sa ngayon, patuloy pang dini-develop ang bakuna para sa panlaban sa sakit na Ebola.