DFA pinag-iingat ang mga Pinoy sa severe winter weather sa US

Inaabisuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino sa bahagi ng Midwest ng Estados Unidos laban sa extreme winter weather.

Nabatid na nitong nagdaang Martes ng gabi nakapagtala ang National Weather Service ng minus 50-55 na wind chill factor.

Kaugnay nito pinapayuhan ni Consul General Gina Jamoralin ang mga Pinoy sa nabanggit na lugar na iwasan muna ang paglabas ng kanilang tahanan, iwasan ang exposure sa matinding lamig at ugaliing gumamit ng heater.


Sinabi pa ni Consul Gen. Jamoralin na kung saka-sakaling may emergency situations huwag mag atubiling tumawag ang ating mga kababayan sa mga numerong (312) 800-3106.

Samantala, sarado naman ang Philippine Consulate General sa Chicago para sa kaligtasan ng kanilang mga personnel.

Facebook Comments