Iginiit ni Senator Koko Pimentel sa Department of Foreign Affairs (DFA) na humanap ng paraan para maging mabilis, maginhawa at komportable ang transaksyon ng mga kumukuha ng passport at iba pang dokumento.
Mungkahi ito ni Pimentel sa harap ng napakahabang pila sa ilalim ng init ng araw at umaabot pa hanggang gabi ng mga kababayan natin sa tanggapan ng DFA.
Payo ni Pimentel sa DFA, suriin ang kanilang proseso at sistema para makita kung saan nagkakaroon ng bottleneck at pagtakatapos ay magsagawa ng time and motion study.
Diin ni Pimentel, hindi dapat matakot ang DFA na magsagawa experimental system para alamin kung alin ang makatutulong para mapabilis ang pag-aasikaso sa mga kababayan natin na may transaksyon sa tanggapan nito.
Binanggit ni Pimentel na maaari ding ikonsidera ng DFA ang pag-iisyu ng stub o pagpapatupad ng by batch appointment system.