DFA, pinagpapaliwanag sa matagal na renewal ng passport

Pinagpapaliwanag ni Committee on Foreign Affairs Chairman Senator Koko Pimentel ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa umano’y napakatagal na renewal ng pasaporte.

Kasunod ito ng reklamong nakarating kay Pimentel na inaabot ng tatlo hanggang anim na buwan bago ma-renew ang pasaporte.

Nais ni Pimentel na marinig mula sa DFA kung ano ang dahilan at hindi naipapatupad ang maikli o mabilis na pag-renew ng passport.


Sa kanyang social media account ay iginiit ni Pimentel na dapat aksyunan agad ng DFA ang nabanggit na reklamo.

Facebook Comments