Monday, January 26, 2026

DFA, pinagtanggol ang mga senador na nakasagutan ng Chinese Embassy officials

Pinagtanggol ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga senador na nakasagutan ng mga opisyal ng Chinese Embassy sa Pilipinas.

Partikular sina Sen. Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan, Erwin Tulfo, at iba pang Philippine government officials.

Sa statement na inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA), iginiit nito na tungkulin ng naturang mga opisyal na depensahan ang soberenya at hurisdiksyon ng Pilipinas.

Kinilala rin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pangangailangan na maging propesyunal at magalang ang pagpapalitan ng national positions.

Iginiit ng ahensya na hindi ito labag sa pambansang interes.

Mahalaga rin aniya na maging maingat sa pagbibitaw ng mga pahayag para hindi maapektuhan ang pagsusumikap ng dalawang panig para sa diplomatikong pagresolba sa tensyon sa teritoryo.

Facebook Comments