DFA, pinaiiwasan ang mga Pinoy na magtungo sa Sudan

Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino na iwasan ang pagbiyahe sa Northeast African country, Sudan.

Ito ay sa gitna ng malawakang protesta at lumalalang political situation.

Sa abiso ng DFA, inirerekomendang huwag munang pumunta sa Sudan dahil sa patuloy na civil unrest na nagdudulot ng karahasan, kawalan ng komunikasyon, kanselasyon ng mga flight at movement restriction.


Ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa Sudan ay pinapayuhang sundin ang sumusunod na precautionary measures:

  • Manatiling nasa loob ng tinutuluyan o sa mas ligtas na lokasyon at iwasang umalis
  • Iwasan ang mga lugar na hindi ikinukunsiderang ligtas o kung saan may isinasagawang protesta
  • Maghanda ng sapat na supply na pagkain, tubig at iba pang pangangailangan
  • Huwag kalimutan ang mga mahahalagang dokumento gaya ng passport at ID
  • Kumonsulta sa mga employer para sa posibleng contingency plans
  • Magbigay ng respective contact details sa Philippine Embassy sa Cairo at sa mga kamag-anak nito sa Pilipinas
Facebook Comments