DFA, pinakikilos matapos ma-stranded ang 22 seafarers sa Hebei, China

Ipinag-utos na ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa kaniyang ahensya na magpasa ng report para malaman kung mayroong kapabayaan hinggil sa kaso ng 22 Filipino seafarers na na-stranded sa Hebei Province, China noong nakaraang taon.

Sa ulat, humihingi na ng tulong sa pamahalaan ang 22 Pinoy seafarers na makauwi sa Pilipinas.

Ilan sa mga seafarer ay lagpas na sa kanilang kontrata habang ang iba ay mayroong seryosong kondisyon.


Sa kanyang Twitter post, sinabi ni Locsin na gusto niyang malamang kung mayroong ‘willful neglect’ sa kanilang parte.

Inatasan ni Locsin ang Undersecretary for Civil Security and Consular Concerns Brigido Dulay Jr. na makipag-coordinate sa konsulada ng Pilipinas na malapit sa Hebei Province para matulungang makauwi ang mga stranded overseas workers.

Sinabi ni Dulay na naka-angkla ang barko sa Hebei na isang COVID-19 hotspot kaya hindi pinapayagan ng Chinese authorities na bumaba ang mga Pinoy seafarer.

Facebook Comments